Nasa balita na naman si dating Bise-President Leni Robredo na
kasalukuyang chairperson din ng Angat Buhay Foundation.
Sa isang speaking engagement na anyang dinaluhan sa Pampanga na
kumakalat sa Twitter, inaddress ni Atty. Leni ang mga karaniwang panlalait na
natatanggap niya umano sa mga trolls kagaya ng “bobo”, “lutang”, at “Madumb”. Nabanggit
niya ang pagtataas ng kilay sa kaniya sa pagiging “Hauser Leader” ng Center for
Public Leadership (CPL) sa Harvard Kennedy School.
“Ano yung gagawin ko sa Harvard? Hinihintay ko nga kung ano yung
sasabihin ng trolls eh,” sabi ni Robredo na ikinahalakhak at ikinapalakpak
naman ng audience.
![]() |
(photo credit to owner) |
“Excited ako kung ano yung… kasi ‘di
ba yung pinaka-narrative na… pinaka-narrative nila sa akin bobo ako, ‘di ba?
Bobo ako, lutang, Madumb… yun yung sabi nila. Pero sabi ko nga, talaga ang
Diyos, yung Diyos talaga marunong. Kasi… yung mga dumarating sa akin, parang
hindi ko naman sino-solicit.”
“Pero nung nagsabi nang nagsabi ng
‘Madumb’ binigyan ako ng Ateneo ng honorary degree. Tingin ninyo ang Ateneo
magbibigay sa isang lutang at bobo? Di naman siguro… Tapos ngayon, hindi lang
Ateneo kundi Harvard,” nakangiting pahayag ni Robredo. Muli namang humiyaw at
nagpalakpakan ang audience para sa kaniya.
“Hindi naman sa pagyayabang pero
parang ang feeling ko kasi, sagot iyon ng Diyos para sa kanila.”
Iginiit ni Robredo na hindi naman daw
siguro sila kukuha ng magiging guest speaker na hindi karapat-dapat.
Bagama’t hindi naman daw niya
kailangang depensahan ang kaniyang sarili, very ironic daw na habang
ipinagdidiinan ng mga basher niya na “bobo”, “lutang”, at “madumb” siya, saka
naman dumarating ang mga rekognisyon sa kaniya.
“Ganoon magtrabaho yung Diyos,” saad
pa niya habang pinapalakpakan siya ng audience.
BE YOUR OWN BOSS! Join
the most trending Online Negosyo now.
For only 17,888 you
can have 5 online shops of various food, health and beauty products, plus Ninja
Ion and Coppermask.
Reserve your slots
now. Send a message by clicking the button below.
Ask me how, leave me a message in https://www.facebook.com/siomai.online0212/
What can you say about this?
Share us your thoughts by simply
leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit
our site often.
Stay updated with today's relevant
news and trends by hitting the LIKE button.
Thanks for dropping by and reading
this post.
Report from Balita
Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of THE
PH CHRONICLES. This website cannot guarantee the legitimacy of some of
the information contributed to us. The material and information on
this website is for general information purposes only. You may do additional
research if you find some information doubtful. No part of this article
maybe reproduced without permission from this website.
0 Comments