RA 10173 DATA PRIVACY ACT
¨IWASANG MAG-POST NG SCHOOL CARD, ID
AT CERTIFICATE NG INYONG MGA ANAK.
Sa mga Mahal naming magulang at mga
mag aaral,
Buong galang na may pagmamalasakit po
tayong pinaaalalahanan at hinihikayat ng DepEd na iwasan ang pagpopost ng buong
larawan ng ID, Report Card o Certificate ng ating mga anak sa Facebook o sa
anupamang social networking site platforms. Ang mga dokumentong ito, bagama’t
karapatdapat ipagmalaki, ay naglalaman ng mga mahahalaga at sensitibong
personal na impormasyong maaaring gamitin upang mambiktima at manlinlang ng
kapwa kabilang na may ari ng mga dokumentong iyon kasama na rin ang kanyang mga
kaanak.
1)
Ang buong pangalan ng bata at buong
pangalan ng kanyang paaralan na matatagpuan dito ay maaaring gamitin upang
matukoy kung saan siya naroroon. Napakadali ngayong isearch at makita ang mga
social media accounts ng mga bata gayundin makita sa mapa gamit ang internet
ang kinaroroonan ng mga ito;
2)
Ang Learner Reference Number (LRN) na
natatangi sa isang maga-aral ay matatagpuan rin sa mga dokumentong ito.
Nakaugnay sa LRN ng isang bata ang kanyang historical school records kasama ang
kanyang mga marka gayundin ang mga personal na impormasyon gaya ng petsa ng
kapanganakan, address, pangalan ng mga magulang, lahi, at iba pa, na pawang
ginawa ng gobyerno bilang paghahanda sa National ID System. Isang hack ng
database ng DepEd at tiyak na makikita ang mga impormasyong ito na magagamit sa
Identity Theft o pagnanakaw ng pagkakakilanlan. Nagagamit, halimbawa, ang
apelyido ng nanay noong dalaga at petsa ng kapanganakan upang matukoy ang
password ng isang tao sa kanyang mga accounts;
3)
Ang lagda o pirma ng mga school
administrators at principals gayundin ang mga logos at headers ng mga paaralan
ay naroroon din. Ang mga ito ay maaaring makopya at maedit para makahingi ng
donasyon at makapangikil;
4)
Ang buong Diploma o Certificate ay
maaaring makopya para magamit sa pansariling kapakanan. Napakadali na ngayong
mag edit at makapandaya.
Bagama’t tunay na maipagmamalaki ang
mga dokumentong ito at Tunay na Nakaka-proud ipost sa ating social media accounts,
Mas makakabubuti pong unahin pa rin natin ang kapakanan ng ating mga anak at
sarili. Mas mahalaga pa rin na maproteksyunan natin ang privacy natin at ng
ating mga anak.
Maraming salamat po!
Quoted fully from Pilipinas Trends
BE YOUR OWN BOSS! Join
the most trending Online Negosyo now.
For only 17,888 you
can have 5 online shops of various food, health and beauty products, plus Ninja
Ion and Coppermask.
Reserve your slots
now. Send a message by clicking the button below.
Ask me how, leave me a message in https://www.facebook.com/siomai.online0212/
What can you say about this?
Share us your thoughts by simply
leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit
our site often.
Stay updated with today's relevant
news and trends by hitting the LIKE button.
Thanks for dropping by and reading
this post.
Report from FB
Disclaimer: Contributed articles does not
reflect the view of THE PH
CHRONICLES. This website cannot guarantee the legitimacy of some of
the information contributed to us. You may do additional research if you find
some information doubtful. No part of this article maybe reproduced
without permission from this website.
0 Comments