PAHAYAG NI VICE PRESIDENT LENI ROBREDO UKOL SA #HALALAN2022
Una sa lahat, hayaan ninyo akong
magpasalamat...Hindi kayang sukatin ng numero ang lalim ng pagmamahal ninyo.
Maraming, maraming salamat sa inyo.
Alam kong hindi madaling tanggapin sa
inyo ang mga numerong lumalabas sa quick count. Hindi lang panghihinayang,
kundi malinaw na pagkadismaya ang nararamdaman ng ating hanay.
(photo credit to owner) |
Mulat din ako: Ang pagkadismayang
ito, maaaring lalong kumulo, lalo pa dahil may naiulat na irregularities sa
halalang ito.
Palinaw na nang palinaw ang tinig ng
taumbayan. Sa ngalan ng Pilipinas na alam kong mahal na mahal rin ninyo:
Kailangan nating pakinggan ang tinig na ito, dahil sa huli, iisa lang ang
bayang pinagsasaluhan natin.
Maging panatag sa inyong ambag: May
nasimulan tayong hindi pa kailanman nasasaksihan sa buong kasaysayan ng bansa.
Isang kampanyang pinamunuan ng taumbayan. Isang kilusang nabuo hindi lang para
baklasin ang luma at bulok na sistema, kundi para magpanday ng totoo at
positibong pagbabago.
Kaya sinasabi ko sa inyo ngayon:
Walang nasayang; hindi tayo nabigo. Pinakamahalaga: Hindi pa tayo tapos.
Nagsisimula pa lang tayo. May landas na nagbukas, at hindi ito sasara kasabay
ng mga presinto; may kilusang isinilang, at hindi ito papanaw sa pagtatapos ng
bilangan. Ang namulat, di na muling mapipikit. Hindi natin kailanman hahayaang
makatulog muli ang pag-asang nagising.
Wala akong planong abandonahin ang
mga bagay na habambuhay ko nang ipinaglalaban. Tuloy ang trabaho ko para iangat
ang buhay ng mga nasa laylayan.
Kaya huwag kayong bibitaw.
Panatilihing aktibo ang mga komunidad. Patuloy na tumindig. Igiit ang
katotohanan. Matagal binuo ang mga istruktura ng kasinungalingan; may panahon
at pagkakataon tayo ngayong labanan at baklasin ito.
Maaaring hindi ngayon, maaaring hindi
bukas o sa makalawa o sa susunod na taon, pero may liwanag pa ring nag-aabang
basta't handa tayong magsikap na abutin ito.
Wala nang mas lilinaw pang patunay sa
naabot natin sa kampanyang ito: Nasa kamay ng karaniwang Pilipino ang tunay na
kapangyarihan. Kayo ang totoong namumuno. Sumusunod lang ako.
‘Wag mapagod. Bukas at
magpakailanman, magkakasama ang lahat ng Pilipino. Maraming, maraming salamat.
Mabuhay ang sambayanang Pilipino.
BE YOUR OWN BOSS! Join
the most trending Online Negosyo now.
For only 17,888 you
can have 5 online shops of various food, health and beauty products, plus Ninja
Ion and Coppermask.
Reserve your slots
now. Send a message by clicking the button below.
Ask me how, leave me a message in https://www.facebook.com/siomai.online0212/
What can you say about this?
Share us your thoughts by simply
leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit
our site often.
Stay updated with today's relevant
news and trends by hitting the LIKE button.
Thanks for dropping by and reading
this post.
Disclaimer: Contributed articles does not
reflect the view of THE PH
CHRONICLES. This website cannot guarantee the legitimacy of some of
the information contributed to us. You may do additional research if you find
some information doubtful. No part of this article maybe reproduced
without permission from this website.
0 Comments