NGAYON, HIGH TECH NA, at "REPUBLIKANG WALANG PLAKA" NO MORE NA!

NGAYON, HIGH TECH NA, at "REPUBLIKANG WALANG PLAKA" NO MORE NA!

 

WALANG PATID ANG DIGITIZATION PARA SA MAS SEAMLESS NA PAGBIBIGAY NG SERBISYO-PUBLIKO!

 

NOON, manu-mano at ubod ng bagal ang paggawa ng plaka—kakaunti ang produksyon, at maraming natetengga.

 

Ang mas malala, ang makinang ginagamit, luma at kinakalawang na, nakakaaksidente pa.

 

(photo credit to owner)


Sa katunayan, may mga report na may mga empleyadong nadisgrasya at naputulan ng daliri habang ino-operate ang makina. Ang saklap ‘diba?

 

Matatandaan din na noong pumasok ang administrasyong Duterte, isa sa mga pinakamatinding problema na kinaharap ng Land Transportation Office-Philippines (LTO) ay ang mabansagang “Republikang Walang Plaka."

 

NGAYON, HIGH TECH NA, at "REPUBLIKANG WALANG PLAKA" NO MORE NA!

 

(photo credit to owner)

Dahil sinimulang trabahuhin ng LTO, sa pamumuno ni Chief Asec. Edgar Galvante ang pag-digitize at pag-upgrade sa mga proseso at sistema noon pang 2016. Ang inisyatibong ito ay naaayon sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade na alisin ang red tape at gawing madali ang proseso para sa publiko.

 

NGAYON, gumagamit na ang LTO ng IDeROBOT, ang plate-making robotic system na kayang mag-produce ng 700 vehicle license plates sa loob ng isang oras, na nagbibigay-daan sa mas mabilis, technology-based, at sistematikong paggawa ng plaka. Gamit ang robot na ito, tinatayang aabot sa mahigit 5,600 plaka ang maipo-produce sa isang 8-hour shift kada araw.

 

Dumating at ginagamit na rin ang pangalawang Automated Plate-Making Robot, para naman sa pag-produce ng motorcycle plates.

 

May kakayahan ang machine na mabilis na makapag-produce ng 450 motorcycle plates kada oras, 3,600 motorcycle plates sa kada walong ( oras na shift sa isang (1) araw, at 7,200 motorcycle plates sa isang (1) araw, base sa two-shift complement basis. Sa kabuuan, ang kayang ma-produce ng machine sa loob ng isang (1) buwan sa pamamagitan ng two-shift per day basis ay umaabot sa 158,400.

 

(photo credit to owner)

Maliban pa sa mga makabagong pasilidad, mas pinaigting din ang security features ng mga pino-produce na plaka, kaya hindi ito madaling mapeke. Kontrolado rin ng LTO IT system ang code ng bawat plaka para iwas "kambal-plaka."

 

#DOTrPH #LTO #RoadSectorWorks #LTOPlateMakingRobot

 

Quoted fully from Art Tugade FB Page

 

 

 

 

 

 

 

 

BE YOUR OWN BOSS! Join the most trending Online Negosyo now.

 

For only 17,888 you can have 5 online shops of various food, health and beauty products, plus Ninja Ion and Coppermask.

 

Reserve your slots now. Send a message by clicking the button below.

 

Ask me how, leave me a message in  https://www.facebook.com/siomai.online0212/

 

 

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often.

Stay updated with today's relevant news and trends by hitting the LIKE button.

 

Thanks for dropping by and reading this post.

 

Report from FB

 

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of THE PH CHRONICLES. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


Post a Comment

0 Comments