Open Letter para kay VP Leni: "huwag ninyo kaming gamiting ‘materyal’ para sa kagustuhan ninyong manalo"

Open Letter para kay VP Leni: "huwag ninyo kaming gamiting ‘materyal’ para sa kagustuhan ninyong manalo"

 


Umani ng isang Open Letter si Vice President Leni Robredo sa kanyang pahayag patungkol sa mga magigiting natin seaman, kung saan anya dapat may gawin ang pamahalaan kasi mas madaming low ranked na seaman kumpara sa mga opisyales sa barko.

Nagpost ng Open Letter si Lacruiser P Relativo para kay VP Leni at sinabi nya na “huwag ninyo kaming gamiting ‘materyal’ para sa kagustuhan ninyong manalo at magamit ang pondong nakalaan para sa amin.

Sinabi din ni Lacruiser sa kanyang Open Letter ang mga pagbabago sa sangay ng mga OFW nating seaman simula ng naupo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte “Tanging ang pag upo ng Pangulong Duterte nagkaron ng bahagyang pagbabago. Naging 10 years na ang validity ng seaman’s book at passport. Nagkaroon ng bagong gusali at dumami ang branches ng MARINA. Naalis ang mga substandard na training centers. Sa gitna ng pandemya, hindi kami iniwan mula sa pag alis at pag uwi. Nariyan ang pakikipagtulungan ng MARINA at OWWA mula sa airport hanggang makauwi sa aming mga probinsya.”

(photo credit to owner)


Nagbigay din sya ng mga suhestiyon kay Robredo kung saka-sakaling ito ay Manalo na “unahin nyo ang ang pagtuwid sa mga balikong maritime companies na syang tunay na mapagsamantala sa marinong Pilipino. Idagdag nyo na ang napakamahal at insignificant na trainings. Tanggalin nyo ang lisensya ng mga diagnostic centers na binibigyan ng sakit ang mga marino para lang magkapera.”

Para sa kapakinabangan ng lahat at para sa hayagan pagsasabi ng kabuan nito, nasa ibaba ang buong kopya ng Open Letter ni Relativo:

 

 

Open letter to VP Leni Robredo

 

Napanuod ko ang inyong panayam kay Boy Abunda sa usaping OFW. Gusto nyong maglatag ng programa para sa aming mga seafarers. Dahil nakikita ninyo na mas marami ang nasa mababang posisyon kesa opisyal. Mainam pero may nais lamang po akong sabihin:

(photo credit to owner)


Lahat naman kami nagsimula sa pinakamababang posisyon. Proud akong taga segragate ng basura. Taga grasa ng kable. Taga tapon ng foodwaste. Taga katok ng di maubos ubos na kalawang. Tagalinis, mula accommodation hanggang sa bodega. Ginawa namin lahat ng yan para sa pangarap at makatulong sa pamilya. I do not demean my colleagues who are in the lower ranks VP Leni. They all make a good team and family onboard. Para sa akin ang tagumpay ay para sa lahat ng nangangarap mapa-ratings man o opisyal. Tagumpay na maituturing ang maitaguyod mo ang iyong pamilya sa trabahong malinis at marangal.

 

Sana lang huwag ninyo kaming gamiting ‘materyal’ para sa kagustuhan ninyong manalo at magamit ang pondong nakalaan para sa amin. Naaalala ko, during oath-taking namin sa Manila Hotel. May bisitang Aquino. Ang laman ng kanyang talumpati ay hindi para sa amin. At kung meron man, ni-isa walang natupad. Wala! Alam namin ang industriyang ito dahil kami ang nasa frontline.

 

Tanging ang pag upo ng Pangulong Duterte nagkaron ng bahagyang pagbabago. Naging 10 years na ang validity ng seaman’s book at passport. Nagkaroon ng bagong gusali at dumami ang branches ng MARINA. Naalis ang mga substandard na training centers. Sa gitna ng pandemya, hindi kami iniwan mula sa pag alis at pag uwi. Nariyan ang pakikipagtulungan ng MARINA at OWWA mula sa airport hanggang makauwi sa aming mga probinsya. At kung kayo man ang ma swerteng mabubunot na uupo sa pagka presidente, unahin nyo ang ang pagtuwid sa mga balikong maritime companies na syang tunay na mapagsamantala sa marinong Pilipino. Idagdag nyo na ang napakamahal at insignificant na trainings. Tanggalin nyo ang lisensya ng mga diagnostic centers na binibigyan ng sakit ang mga marino para lang magkapera.

 

Ilan lamang ito sa maraming bagay na aming pinaglalaban kasama ang pamilyang umaasa sa amin. Sa huli VP Leni, salamat sa pagbanggit sa amin sa inyong panayam. Hindi namin alam kung matutupad ang binitawang pangako kung sakaling kayo’y maupo, ngunit malaki ang aming paniniwala na magpapatuloy ang magandang nasimulan ng adminitrasyong Duterte at sa susunod na ka alyado nito. Ganon pa man, patuloy ang aming paglalayag hindi lang sa pansariling pangarap ngunit sa tawag ng karagatan.

33This is the only way to fulfill the grand purpose from the day we were born. So help us God.

 

 

 

 

 

Alam mo ba? 

 

Negosyo ang solusyon sa kahirapan. 

 

Nasa middle class kung ganito daw kita mo monthly sabi ng NEDA:

 

P43,828 - P76,669

 

Ang siste,

 

If Pamilyado ka na with kids, tapos utilities , daily and unexpected expenses, you can quickly tell why you're probably short every month.

And yet, ang karamihan sabi syo..."Mag ipon ka" or minsan pa nga "Wala ka pang ipon"

 

Mind you, pandemya pa ngaun!

 

Aminin mo na...

 

Pagkulang ang sweldo, there are no "ipon tips" that can help you, kapatid.

 

Nakagawa ka na din ba ng Budget plan pero d mo naman nasunod?

 

Well, pag Tigang na, wala ka ng mapipiga, tama?

 

Instead, you need another source o multiply your income.

 

Sa karamihan, meron lang two options:

 

1) Get another job.

2) Start a side business.

 

Do you want to achieve "RICH" level na according to the government.

A business na pwedeng sa bahay lang while super safe ka at naka online ka lang habang naka pambahay. 

 

Usap tayo...

 

Click "Send Message" Button To Register For FREE

Visit and Like my Page https://www.facebook.com/MelmagsOnlineFranchise

 

 

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often.

Stay updated with today's relevant news and trends by hitting the LIKE button.

 

Thanks for dropping by and reading this post.

 

Report from FB

 

 

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of THE PH CHRONICLES. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


Post a Comment

0 Comments