Parlade slams Makabayan Bloc's so-called desecration of Jevylun Cullamat's cadaver by govt troops

Parlade slams Makabayan Bloc's so-called desecration of Jevylun Cullamat's cadaver by govt troops

 


ACCUSATIONS OF KAMATAYAN BLOC ON CADAVER OF JEVYLIN CULLAMAT

Pinapasinungalingan ko ang mga paratang ng Kamatayan Bloc na binaboy ng mga sundalo ang bangkay ni Jevilyn Cullamat @Reb. Paano niyo nasabing binaboy, samantalang si Jesryn Cullamat na mismo na kanyang nakakatandang kapatid na lalaki ay nagpasalamat sa mga sundalo sa pagrespeto at pag-alaga sa kanilang pamilya at sa bangkay ni Jevilyn?

Ginagawang propaganda na naman ng sinungaling na mga kongresista ng CPP ang insidente lalo na at nasabwat dito ang anak ng isang opisyal ng Bayan Muna. Ang malinaw dito ay wala lang silang paliwanag kung bakit si Cullamat ay may anak na nagbuwis ng buhay sa NPA samantalang ang kanilang mga anak ay nag-aaral sa mga eksklusibong paaralan o kaya ay nagpapakasarap sa Europa at ibang bansa. Ipaliwanag nila muna yan kay Cullamat at baka pakinggan pa sila ng taong bayan.

Antonio Parlade
(photo credit to owner)


Wala kayong makitang human rights violation sa hanay ng AFP sa mahigit 7 taon na, kaya ito ngayon ang gusto nyong gawing propaganda. Madami nang binababoy na kasamahan ang NPA. Iniiwan o linalaglag sa bangin ang kanilang mga nasasawing kasamahan upang hindi makita ng kasundaluhan tuwing may engkwentro. Wala itong pinipili, anak man o asawa ng mataas na opisyal ng CPP-NPA. Kung maaalala natin si Ka Insay, asawa ni Ka Roger Rosal na napatay sa engkwentro sa Laguna, inakyat sa mataas na burol ng NPA ang labi nito at linaglag sa pagitan ng uka ng malaking bato kaya ang bungo nito ay nadurog lalo. Anong klaseng kababuyan yan ng mga NPA? Subalit sino ang sinasabi nilang baboy ngayon?

Ngayon ipinipilit nila ang CAHRIHL at kung anu-ano pang International Laws and Conventions. Bakit hindi nila ipaliwanag na ang medik nila na si @Reb ay may bitbit na M653 kahit maliwanag na ipinagbabawal sila na maging kombatante? Bakit hindi nila ipaliwanag kung bakit puro land mine at explosives ang nakukuha sa mga NPA na ito tuwing may bakbakan? Bakit hindi nila ipaliwanag ang sinasabi ni Joy James Saguino or Ka Amihan na ginilitan pa ng NPA ang leeg ng sundalo na kanilang napaslang minsan? Bakit hindi nila ipaliwanag ang mga kabubuyan at panggagahasa ng kanilang mga armadong kababaihan sa hanay ng NPA? Paano pala itong mga menor de edad na kanilang pinasasampa sa NPA? Hindi ba ito ang pinakamatinding kahayupan na ginagawa ng mga goons ng Kamatayan bloc? Ngayon pinagbibintangan nyo ang AFP ng mga bagay-bagay na gawa ng inyong matinding imahinasyon, para lang mag-propaganda?

Hindi po trabaho ng AFP at Special Forces yan. Mga displinado ang ating AFP kung kaya’t mataas ang trust rating ng taong bayan sa amin. Meron bang 78% trust rating na maaaring ipagmalaki ang CPP NPA, kahit Rappler pa ang magsagawa nito? Alam ko ang hirap ng pagsasanay ng mga SF dahil tapos ako dito. Alam ko ang disiplina ng mga SF dahil 14 na taon ako dito. Tanong nyo kay Ka Satur at Tinay Palabay kung papaano namin inaalagaan at iginagalang ang mga bihag naming NPA ng ako ay isa pang pinuno ng SF.

Kahirapan kamo ang dahilan kung bakit may NPA? Hindi po. May mahihirap din sa Batanes, Camiguin, Romblon, Marinduque, at madami pang lugar, bakit walang NPA? Kasi walang CPP na naghihikayat sa mga tao upang sumali sa hukbo. 50 pang bansa sa buong mundo ang mas matindi pa ang hirap kaysa Pilipinas subalit wala silang insurgency. Bakit? Dahil wala silang communist party na matuturing upang ibagsak ang kanilang gobyerno, dahilan kung kaya’t unti unti na nilang inaabutan ang Pilipinas sa pag-usbong ng kanilang ekonomiya. Bakit number 10 tayo sa terrorist index sa buong mundo? Dahil sa mga pagpaslang ng NPA ng kapwa nating Pilipino, higit pa lalo sa mga biktima ng ASG at sisesyonistang muslim.

Bulag kayo, mga Kamatayan bloc. 157 years na nating ipinagdiriwang ang anibersaryo at kadakilaan ni Gat Andres Bonifacio ngunit nakakalungkot kasi ang paghihimagsik at nasyonalismo nya ay binigyan nyo ng maling interpretasyon para sa inyong agenda. Ang nasyonalismo ni Gat Andres at ng iba pang bayani na nagsakripisyo para sa ating kasarinlan at kapayapaan ay binababoy nyo dahil sa baluktot nyong prinsipyo at idolohiya. Tapos na ang laban sa mga dayuhang Kastila, Amerikano, at Hapon. Bakit kapwa natin Pilipino ay pilit nating pinag-aaway? Propaganda nyo ang sumisira sa ating bayan at nagtutulak sa mga kabataan sa kanilang kapahamakan. Ilang Jevilyn Cullamat pa ang kailangang mamatay sa kalokohang ito? Tapusin na natin ang kahibangan niyo Casiño, Renato Reyes, De Castro, Zarate, Gaite at Araullo, maliban na lang kung ang mga anak niyo ay ipipila niyo sa armadong pakikibaka sa Hukbo. Sumunod na kayo, Colmenares, Elago, Mananzan, at iba, maliban na lang kung kayo mismo ang aakyat sa bundok, kaysa nagpapasarap kayo sa inyong mga kondominyom at kumbento.

Hindi kayo matuturing na kagalang-galang. Kasuklam-suklam kayo at kung buhay si Gat Andres Bonifacio, maaaring sya mismo ang mag-re-redtag sa inyo at titigpas sa inyong mga ulo, alang-alang sa katahimikan ng ating minamahal na bayan at watawat.

Ngayon, maitanong ko lang Anong watawat ba ang inyong iwinawagayway? Iyon bang pula na may karit at maso?

#AntonioParlade

 

 

 

 

BE YOUR OWN BOSS! Join the most trending Online Negosyo now.

 

For only 15,888 you can have 5 online shops of various food, health and beauty products, plus Ninja Ion and Coppermask.

 

Reserve your slots now. Send a message by clicking the button below.

 

Ask me how, leave me a message in  https://www.facebook.com/siomai.online0212/

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often.

Stay updated with today's relevant news and trends by hitting the LIKE button.

 

Thanks for dropping by and reading this post.

 

Report from Facebook

 

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of THE PH CHRONICLES. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


Post a comment

0 Comments