UP lawyer slams Cullamat's comment that her NPA daughter died as a "hero"

UP lawyer slams Cullamat's comment that her NPA daughter died as a "hero"

 

Its all over the news, that the youngest daughter of of Bayan Muna Partylist Representative Eufemia Cullamat, died in a military encounter in Brgy. San Isidro, Marihatag, Surigao del Sur. 

Jevilyn Cullamat’s death did not came as a surprise to her mother as her daughter joined the armed struggle of the New People’s Army (NPA).

“Di ako nagtataka kung sumapi sa NPA ang aking anak dahil sa patuloy na nararanasan naming mga katutubo sa mga pagmamalupit at pang-aabuso ng AFP (Armed Forces of the Philippines) at ng kanilang mga paramilitary groups. Naranasan mismo ito ng aming pamilya,” sabi ni Cullamat.

(photo credit to Kalinaw News)


The actions and statements of the Makabayan solon did not sit well with University of the Philippines (UP) law graduate and broadcaster Atty. Nick Nañgit.

In his Facebook post he slammed point by point the statements made by Bayan Muna Partylist Representative Eufemia Cullamat:

 

Anya ng ina niya: 

 

1. Bayani si Ka Reb ng mga Lumad at ng bayan daw?

 

Talaga?! E bakit ikaw lang ang nagsasabi niyan? Wala namang pahayag ang mga Katutubo (na pinagdududahan kung ikaw nga ay isa sa kanila).

Ang bayani ay ipinagmamalaki dapat ng mga Pilipino, dahil pinagtanggol ang Republika, hindi ikinahihiya dahil pinagtanggol niya ang mali, bulok, at makasariling ideolohiya.

 

2. Pinaslang daw?

 

Talaga?! Iba ang pinaslang (na sinadyang gawin, kahit walang dahilan) sa napatay (sa engkwentro, dahil lumalaban sa sandatahang lakas, gamit ang mga armas).

 

3. Tropeo at ipaparada bilang propaganda ng militar daw?

 

Talagang tropeo sa kahit na anong digmaan ang makahuli o makapatay na rebeldeng lumalaban sa Republika. Masaya ang sambayanan sa tagumpay ng sandatahang lakas na ginagampanan ang kanilang tungkulin, pinangangalagaan ang katiwasayan, at pinoprotektahan ang kapayapaan ng mga mamamayang sumusunod sa batas.

 

Saan ang parada? Meron ba? Iba ang pagpaparada sa pagpapalathala ng balita, para malaman ng lahat ng Pilipino ang resulta ng operasyong militar. Kung sakaling parada ang dating sa iyo at sa mga kasapi ninyo, yan ay para matakot kayo at huwag pamarisan.

 

At saka, hindi kailangan ng militar ang propaganda. May Saligang Batas ang bansa na pinagmumulan ng mga tamang prinsipyo at kaisipan. Itinuturo yan sa mga paaralan bilang bahagi ng nasyonalimo.

 

Ang mga komunistang rebelde ang nangangailangan ng propaganda, para manloko at manghikayat ng mga sasanib sa armadong pakikibaka. Huwag kang hunghang!

 

4. Kabayanihan daw?

 

Talaga?! Hindi siya bayani. Salot siya! Kasama siya sa mga naninira sa lipunan, kasabwat ang mga galamay na kinabibilangan ng mga mambabatas na kumikiling sa kanila.

 

Ang bayani ay ang mga militar na ipinaglalaban ang karapatan ng mga mamamayang pinepeste ng mga rebelde.ng nangingikil, naninira, at pumapatay. Kausapin mo ang nga kadreng lumantad, tignan natin!

 

5. Mabait daw?

 

Talaga?! Kasi siguro sumunod siya sa mga itinuro mong baluktot. Kawawang anak.

 

Kung sa tingin mo mabait siya, aba e marami ring ina ang kinikilalang mababait din ang kanilang mga anak na militar, dahil sa pagmamahal nila sa Republika, at hindi sa ideolohiyang komunista. Hindi lang ikaw ang may karapatang magsabi na mabait ang anak mo.

 

At saka, ke mabait yan o hindi, rebelde pa rin siya!

 

6. Lumahok sa armadong pakikibaka daw?

 

Mismo sa bunganga mo na nanggaling na sumasang-ayon ka na makilahok siya sa armadong pakikibaka. Rebelyon o sedisyon yan!

 

Mambabatas ka, p00t@h ka, tapos ok sa iyo na lumahok siya sa krimen?

E putr3z ka! Kaya pala talagang ayaw mo sa Anti-Terrorism law, dahil ang pagsanib, pag-aya, at pagsulong sa mga organisasyong naghahasik ng terorismo ay may parusang kulong na!

 

Iba yan sa pagkukunsinti lamang sa rebelyon o sedisyon, lalo pa't hindi o mahirap mapatunayan ang conspiracy.

 

Dapat sa iyo/inyo matiwalag na sa Kongreso! May batas nga lang na nagpapahintulot sa mga party-list. Hangga't hindi ito napapawalang-saysay o repealed, ang magagawa mg COMELEC ay huwag na kayong payagan pang tumakbo sa susunod na halalan.

 

7. Pag depensa sa lupang ninuno daw?

 

Noon bang nag ka-engkwentro, may kinakamkam bang lupain ng mga katutubo ang mga militar? Puro ka satsat, wala ka namang ebidensya! Kung totoong may ebidensya ka, paano mo nalaman?

 

Ibig sabihin, may komunikasyon ka sa mga NPA. Malinaw na may kaugnayan ka.

 

At saka, nasa batas na ang lupang ninuno ay pag-aari ng mga katutubong naninirahan doon. Bakit hindi naman namamatay lahat ng Lumad na kinikiyeme mong kasama ka? Hindi ganyan ang paniniwala ng mga Katutubo, g@g@!

 

At bakit iniwan ng mga kapwa NPA ang anak mo? Saan sila nagtago? Sa lupang ninuno? Tinatakot ninyo ang mga totoong Katutubo na huwag magturo, kundi sila naman ang papatayin ng mga NPA, diba?!

 

8. Martir at mandirigma daw?

 

Talaga?! Salot at rebelde! Ilusyonadang palaka!

 

9. Sistemang mapang-api daw?

 

Talaga?! Pwes, lumayas ka sa Kongreso!

Bahagi ka ng sistema e, so anong ginagawa mo pa diyan? Nang-aapi ka rin??? Kapal ng mukha mong lumamon gamit ang perang binabayad sa iyo na galing sa buwis ng mga mamamayan!

 

10. Pansariling interes at nag-alay ng buhay daw?

 

Yan lang ang tumama sa mga putak mo!

 

Makasarili siya. Iniisip niyang ipagtanggol ang paniniwalang baluktot at hindi niya iniisip ang paniniwalang matino ng mas nakararaming Pilipino.

 

Noong sumanib siya sa NPA, talagang ibinigay na niya ang buhay niya sa paniniwalang tama ang sinaniban niya. Alam mo rin yan, pero hinayaan mo lang. Ikaw ang inang t@r@nt@d@, dahil kinunsinti mo ang maling direksyon ng buhay niya.

 

Hindi militar ang pumatay sa kanya, kung tutuusin!                                                                                                                                                                                                                                                                                        

Nasa mga kamay mo ang dugo ng anak mo!!!

 

Anya naman namin:

 

Karapatan mo, Aling Eufenia, na ipagmalaki siya. Karapatan mo ring mag luksa. Wa kaming pake diyan.

 

Pero, karapatan din naming mga mamamayan na ikahiya siya at ikahiya ka lalo. Karapatan din ng iba sa amin ang matuwa, dahil nabawasan ang mga salot sa lipunan!!!

 

 

 

 

 

BE YOUR OWN BOSS! Join the most trending Online Negosyo now.

 

For only 15,888 you can have 5 online shops of various food, health and beauty products, plus Ninja Ion and Coppermask.

 

Reserve your slots now. Send a message by clicking the button below.

 

Ask me how, leave me a message in  https://www.facebook.com/siomai.online0212/

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often.

Stay updated with today's relevant news and trends by hitting the LIKE button.

 

Thanks for dropping by and reading this post.

 

Report from Facebook

 

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of THE PH CHRONICLES. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.


Post a comment

0 Comments