Panabong na manok ipinalit ng babae sa dalawang bucket na chicken joy, kinagiliwan ng netizens!

Panabong na manok ipinalit ng babae sa dalawang bucket na chicken joy, kinagiliwan ng netizens!

  


Photos courtesy of  Facebook @Brigada News FM Bicol



Dahil sa pandemyang dala ng coronavirus,  naging limitado ang kilos ng mga tao at di lang sa ating bansa maging sa buong mundo.


Lalo pa at idineklara ang lockdown sa bawat lugar at ipinag bawal ang pakiki salamuha sa ating mga kapawa upang maiwasan na din ang pagkalat ng pandemya.


Bunsod nito, labis na naging mahirap ang pamumuhay, maging ang pagsakay sa pampublikong transportasyon ay pansamantalang pinagbawal. *


Walang magawa ang mga tao,kundi ang pumirmi sa kani-kanilang tahanan at tanging ayuda na lang mula sa gobyerno ang makakapagsalba sa pang-araw-araw.


Ngunit marami sa ating mga kababayan ang hindi kuntento sa ganitong kalagayan. Likas kasi sa ating mga Pinoy ang talaga namang dumidiskarte ng mapagkakakitaan.


Dahil dyan, nakakita ang marami sa ating mga kababayan ng pagkakakitaan na hindi na kailangan pang pisikal na magkita ang bawat isa.


Tulad na lang ng on-line selling, na kung saan ay halos lahat ng tao sa buong mundo ay naka-abang sa social media.  Ang iba sa atin ay nahuhumaling sa sikat na sikat na app na Tiktok, ang iba naman ay kanya-kanyang paandar sa pagluluto ng kanilang mga specialty, at ang iba ay sa pagbe-bake ang napiling sideline.


Nariyan din ang pakikipag-barter ng mga produkto, kung saan ay makikipagpalitan ng produkto ang isang indibidwal kapalit naman ang produkto ng ka-transaksyon. *


Gaya na lamang ng kwento ng dalawang netizens na ito kung saan ay kanilang ibinahgai sa social media ang naging transakyon sa kanilang dalawa sa pamamagitan ng palitan o barter ng isang panabong na manok na pag-aari ng babae at kapalit naman ang dalawang bucket ng chicken joy mula sa lalaki.


Nagviral ito sa social media at naging usap-usapan sa mga netizens ang nakaka-intrigang transaksyon ng dalawa lalo na ang panabong na manok ni ate na kadalasan ay may kamahalan ang halaga nito at ipinagpalit lamang sa dalawang bucket ng fried chicken.


Narito ang ilang komento ng mga netizens tungkol sa nakaka-intrigang produkto ni ate girl:


napaka walang pusong babae .. pinag palit ang kapatid para sa pagkain tsk tsk . yare ka sa tatay nio nian

“Di naman siguro mag tataka sila daddy pag araw araw may jollibee kami no? may pang Mcdo na ako WAHAHAHAHAHAHA… kay kyvi jollibee madami dami tong panabong ni daddy “ *


Photo courtesy of Facebook @Brigada News FM Bicol


“Baka nman kuya nya un at d makapasok ng bahay kasi grounded kaya nakiusap sa kapatid na kunin ung panlaban nyang manok kapalit ng chickenjoy


“Sobra ka naman sa kapatid mo, sana inisip mo mararamdaman ng tatay nyo.. wala ka puso ate!! Wala ka pagmamahal sa kapatid mo!! Oo nga at sya ang paboreto ni tatay pero sana naisip mo na kaya paboreto yan kasi mas kailangan nya ang kalinga at pagmamahal haysss!!


“Hahaha! Parang ang mangyayari yata sa manok, ipanlalaban sa online sabong?! Parang lang naman! Millionaire mind si Ate! Hahaha


“makareact nmn mga lalaking sabungero wagas, kung ako may asawang sabungero di ung manok ang ibabarter ko kundi ung asawa ko mismo papapalitan ko ng bucket ng chicken joy!


“Hindi labag sa batas yan kundi labag sa kalooban ng asawa nya kc pag nalaman... panabung ng asawa nya yan tapos ipinalit lng sa chickenjoy saklap..” *


Photo courtesy of Facebook @Brigada News FM Bicol


“Hindi po labag sa batas ang pagbabarter kasi ginagawa na yan ng mga pinoy nung unang panahon.. Ang labag lang ee kung may magagalit sa pinagbarter mo na item.. Tulad ng manok na pula


Samantala, nauna nang sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na kanila nang bubuwisan ang mga nag-oonline selling. Ngunit marami sa mga kababayan natin ang umalma at kanilang tinutulan ito.

 


Nagpaliwanag naman ang DTI na hindi nila papatawan ng buwis ang mga maliliit na on-line seller bagkus yung mga kumikita lamang ng P250,000 pataas.


 

Hindi rin umano kasali ang pagba-barter at hindi naman ito labag sa batas hanggat hindi pinagkakakitaan at para sa pansariling konsumo lamang.

<

 

Ang Barter ay ang palitan ng paninda na hindi ginagamit ng pera. Kadalasan ay bagay na kinakalakal o pinagpapalitan ay kasinghalaga ng halaga sa pera, ngunit walang ginagamit o walang pagpapalitan o suklian ng perang nagaganap.


Bago pa dumating ang mga kastila ay may nagaganap ng pakikipagpalitan ng produkto o Barter an gating mga ninuno sa mga karatig na bansa.

Photo courtesy of Facebook @Brigada News FM Bicol

Post a comment

0 Comments