P7 milyong retirement na pinaghirapan ng 30-taon ng isang senior citizen halos malimas ng budol-budol

P7 milyong retirement na pinaghirapan ng 30-taon ng isang senior citizen halos malimas ng budol-budol

  


Screencap photo from Youtube @ GMA 24 Oras



Sa hirap ng buhay ngayon dahil na din sa pandemya na kinakaharap nating lahat, marami sa atin ang nawalan ng hanap buhay, kaya ang karamihan ay naghahanap ng alternatibong mapag kakakitaan. Habang ang iba naman ay abala sa panlilinlang sa iba.


Kaya naman naglipana na naman ngayon ang mga taong mapag samantala at walang magandang hangarin sa kanilang kapwa, na imbes na kumayod ng marangal at magbanat ng buto ay mas napili pa ang manloko kapalit ang pinagtrabahahun ng ibang tao.  *


Sa ulat ng GMA 24 Oras, isang 92-anyos na senior citizen mula sa Balagtas, Bulacan ang nawalan ng P7 milyon matapos mabiktima ng "Budol-budol" gang.


Mabuti na lang at agad na nadakip sa isang entrapment operation ang suspek na saktong kausap pa ang matanda ng bangko hawak hawak ang pera ng matanda.


Sa  ikinasang entrapment operation ng mga pulis nadakip ang isa sa mga suspek na si Anthony Jitula, 24, na miyembro umano ng budol budol gang na umaaligid sa Bukacan at mga karatig bayan nito.


Ayon sa detalye nahuli si Jitula sa labas mismo ng isang bangko matapos niyang tanggapin ang pera ng biktimang si Remedios Buizon, 92 taong gulang na nag-withdraw sa bangko.


Dagdag pa ng pulisya, isa si Jitula sa grupong ng budol-budol na nagsabwatan para tangayin ang mahigit P7 milyon na pinaghirapang ipunin ni Buizon mula sa higit 30 taon niyang pagtatrabaho sa Amerika. *

Screencap photo from Youtube @ GMA 24 Oras



Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, napag alaman na nakilala ni Buizon ang mga suspek nang bentahan umano siya ng mga suspek ng mga home appliance nitong nakaraang buwan.


Mula raw noon ay nakuha na ng mga ito ang loob ng matanda at nakipagkaibigan na ang grupo sa biktima at inalok na siyang mag-invest sa mga home appliance gaya ng kanilang binebenta.


“‘Di natin alam kung gaano kagaling ‘yong skill nila sa pag-convince pero na-convince [ang biktima] kasi according sa records ng bank ay talagang nagkaroon ng withdrawals,” pahayag ni Balagtas, Bulacan chief of police Police Major Neil Cruzado.


Nang kapanayamin ang biktima, galit na galit ito at nagbabala sa publiko na "Mag-ingat sa mga kakausap sa inyo. ‘Wag kayong magtiwala agad. Hindi katulad natin lahat ang tao, may mga walanghiya ngayon.” *

Screencap photo from Youtube @ GMA 24 Oras



“Kay tanda ko na, aargabiyaduhin pa nila. Imbis na tulungan nila. Sa aking mga pinuno, ayon ang dapat nilang bantayan,” dagdag pa ni ginang Buizon.


Todo tanggi naman ang nadakip na suspek at wala daw itong kinalaman sa pangyayari.


Nagbabala din ang pulisya at pinag iingat ang din ang publiko dahil sa tumataas daw ang mga ganitong modus sa gitna ng quarantine sa National Capital Region at mga karatig na probinsya.


“Ito po ‘yong way nila para makapasok sa bahay so maging aware po tayo doon, laging ivalidate ang mga papapasukin sa kanilang bahay,” ani Major Cruzado.


Payo din ni Maj. Cruzado na maging alisto ang matutong magvalidate ng pagkatao  o maging mabusisi sa pakikipag-usap sa mga taong hindi kakilala at nag aalok ng mga produkto sa kanilang pamamahay.



Post a comment

0 Comments