Willie, sinupla si Pia Ranada ng Rappler: “Never akong mangha-hijack. Kung pala ang hijack ay kabutihan, e, di mang-hijack na lang tayo, kung magbibigay ang hijacker ng five million”

Willie, sinupla si Pia Ranada ng Rappler: “Never akong mangha-hijack. Kung pala ang hijack ay kabutihan, e, di mang-hijack na lang tayo, kung magbibigay ang hijacker ng five million”

 


Binuwelyahan ni Willie Revillame ang Rappler matapos itong maglathala ng artikulo na tila nagpasama pa sa celebrity host.

“PARANG napasama pa ho ako sa iba, parang nagbuhat ako ng bangko ko, parang nagyabang pa ako?”

Yan ang kanyang saloobin o hugot matapos mabasa ang negatibong artikulo tungkol sa paglabas niya sa press briefing ng Malacañang Spokesperson na si Harry Roque nung nakaraang linggo.

(photo credit to owner)

Sa nasabing press briefing nangako si Willie na magbibigay sya ng P5 Million sa mga jeepney drivers na nawalan uli ng pagkakakitaan dahil sa pagbabalik ng MECQ.

Sinita at inalmahan ni Willie ang inilabas ng Rappler sa pagsusulat ni Pia Ranada na may title na ““Willie Revillame hijacks Roque press briefing to promote charity, GMA7 show.”

Paliwanag ni Willie sa episode ng “Wowowin” kagabi, “Ang alam ko sa hijack, may hino-hostage ka, may dala kang armas at nangha-hijack ka.

 

“Ang ibig ko hong sabihin, hindi ho maganda yung pagkasulat. Hinijack ko daw yung programang ‘yon. I was invited by the secretary, binigyan ako ng pagkakataon.

 

“Sana ho, Miss Pia Ranada… wala akong pinasisikat at hindi ko kailangan gawin ‘yon. Alam mo bakit? Ang mga bida sa programang ito, yung mga nangangailangan.

 

“Sana sa pagsulat mo, alamin mo muna kung ano ang istorya. Kaya nga sinasabihan kayo na fake news kayo, hindi totoo ang sinasabi mo.

 

“Never akong mangha-hijack. Kung pala ang hijack ay kabutihan, e, di mang-hijack na lang tayo, kung magbibigay ang hijacker ng five million,” paliwanag ni Willie.

 

Ang siste dahil walang magamit na studio sila Roque, pinagamit muna ni Willie ang kanyang studio niya sa Wil Tower Mall habang pansamantalang nakasara ang RTVM at PTV4 studio for disinfection dahil nagpositibo sa COVID-19 ang ilang empleyado ng network.

 

“Wala po silang studio na magagamit, so nung tinawagan niya [Roque] ako, right there and then, pumunta na po ako sa Wil Tower.

 

“Ako na ho ang nag-asikaso, at ‘yan po ang studio na ginagamit ni Secretary Harry Roque magmula last Monday. Ginawan ko po ‘yan ng paraan,” aniya.

 

Sinabi ng host na tumangi sya lumabas noong unang imbitahan ni Roque na mag-join sa press briefing para personal siyang mapasalamatan.

 

“Sabi ko, ‘Sir, hindi ho appropriate dahil hindi naman ako pulitiko and, also, I have my own show.’ Noong last Friday po, August 7, sabi niya, ‘Baka huling araw na namin sa studio. Puwede bang lumabas ka lang para lang mapasalamatan kita nang personal?’

 

“Kaya ho noong lumabas ako, nagbuhat pa ako ng bangko, binuhat ko talaga nang literal na bangko to lighten up the situation.

 

“E, parang napasama pa ho ako sa iba. Na parang nagbuhat ako ng bangko ko, parang nagyabang pa ako?

 

“Hindi ko ho maintindihan bakit may ganyang klase ng mga tao.

 

“Huwag niyo ho akong sabihan na, ‘Huwag mong ibigay sa DSWD, huwag mong ibigay sa LTFRB.’

 

“Kanino ko ho ibibigay ‘yan? Hindi ho ako puwedeng pumunta sa mga jeepney driver, una may batas, may COVID, di ba? Paano ko ibibigay, magkakagulo po ‘yan. Baka mapasama pa, mahuli pa ako.

 

“Kailangan po sa kinauukulan kaya ho ibinigay ko kay Spokesperson Secretary Harry Roque yung five million,” diin ni Willie kasabay ng pagsasabing  galing sa mismong bulsa niya ang kanyang donasyon.

 




Business during Pandemic, safely inside the safety of your homes?

Possible through Online Stores - all of which are done thru the internet with the use of your computer or mobile phones.

Sa nawalan ng trabaho, gusto mag negosyo ngaun may pandemya, at lalong lalo na kung OFW ka!

Ask me how, leave me a message in https://www.facebook.com/siomai.online0212/




What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often.

Stay updated with today's relevant news and trends by hitting the LIKE button.

 

 

Thanks for dropping by and reading this post.

 

 

Report from Bandera

 

 

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of THE PH CHRONICLES. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtfulNo part of this article maybe reproduced without permission from this website.

Post a comment

0 Comments