MegaStar Sharon Cuneta has
spoken about the sad fate that befell her mother station, the Lopez-controlled
ABS-CBN Corporation.
She even likened its
shutting down to the legendary multiple punches of the Late Fernando Poe Jr. and
senator Manny Paquiao.
She bared her sorrow and
sadness in Instagram, and even shared some personal stuffs about her personal
life.
MegaStar Sharon Cuneta (photo credit to owner) |
“Ngayon lang ako nagpost tungkol dito kasi alam ko pag inumpisahan ko,
iiyak ako, at dahil sunod-sunod na ang mga suntok na pinagtatanggap ko na di ko
naman po inumpisahan, tapos tinadyakan pa kahit bagsak na, pinatay pa ang mga
kapamilya ko.
“Parang sinunog ang bahay namin. Parang pinatay na rin ang pamilya
namin, lalo na ang 11,000 na hindi ganon ganon lang makakahanap ng trabaho
ngayon lalo sa panahong ito,” shared by Megastar
“Pinadaan pa sa 13 pandinig ang mga Boss namin sa ABS-CBN na ang ilan,
hindi lahat, pero ang ilan sa Congreso ay kung kausapin sila ay pasigaw at
parang mga kriminal na mamamatay tao na halos ang mga kausap.
“Parang paulit-ulit lang ang mga tanong pero sinagot ng mapagkumbaba,
disente, umamin sa mali at nangako sa harap ng milyong-milyong Pilipino na
babaguhin ang mali.
“Wala namang kahit sinong kumpanya o tao ang perpekto. Tapos,
napakabilis pala lang ng desisyong huwag bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.
“May isang Senador na nagsabing maghanap na lang daw ng bagong trabaho
ang 11,000 mahigit na empleyadong may mga pamilyang apektado ng pagkawala ng
hanapbuhay na ito, gayong may mga 16 million na yatang Pilipino ang nawalan ng
trabaho at maraming negosyo na ang napilitang magsara sanhi ng COVID-19. Saan at
paano hahanap ng trabaho?” Sharon referring to a known President Duterte ally ,
senator Ronald “Bato” Dela Rosa.
Patuloy pa niya, “Sana nabigyan pa ng pagkakataon ang mga namamahala na
itama lahat ng pagkakamali. Si Sir Carlo Katigbak hindi pa gaanong katagal
naming Chairman, pero napamahal sa amin dahil napakabuti at mapagkumbaba
talagang tao. At magaling.
“Sabi ko nga, personally, sa akin lang mag-isa, para akong nagulat na
na-FPJ style na suntok na sunod-sunod na sinabayan pa ng mga ala Pacquiao na
suntok din. Pero mabuti na rin ang sabay-sabay, para isang malaking SAKIT na
lang.
“Thaka po sobrang nakakapit ako talaga sa Diyos. Kaya okay ako, kahit na
sabi nga ni Lupe, ‘gutay-gutay na’ ang puso ko. Pagod na po ako. Peace of mind
and of existence na lang ang ine-enjoy ko ngayon. Di na ako nagpapaapekto sa
negatibo.
“Salamat po sa lahat ng nagdasal at nagdadasal para sa akin. Salamat din
po sa mga nagdasal at nagdadasal pa para sa ABS-CBN. Bilog po ang mundo. At
buhay na buhay ang Diyos. Siya ang may hawak at may alam ng lahat ng mangyayari
bukas,” the Megastar ends.
What
can you say about this?
Share us your thoughts by simply leaving on the
comment section below. For more news updates, feel free to visit our site
often.
Stay
updated with today's relevant news and trends by hitting the LIKE button.
Thanks
for dropping by and reading this post.
Report from Bandera
Disclaimer:
Contributed articles does not reflect the view of THE PH CHRONICLES. This website cannot
guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may
do additional research if you find some information doubtful. No part of this
article maybe reproduced without permission from this website.
0 Comments