Dead air.
The ABS-CBN Corporation has complied with the
cease and desist order of the National
Telecommunications Commission in its operation as a television network.
One of its contract stars did not held
back its opinion regarding the matter, Coco Martin probably the biggest of its contract
stars made known his anger to government for what he perceived as an in justice
to the Filipino people by closing the broadcast operations of ABS-CBN.
Coco Martin (photo credit to ABS-CBN) |
The lead star of the long-running
"FPJ's Ang Probinsyano," released a statement across three Instagram
posts, just as ABS-CBN signed off in compliance with the National
Telecommunications Commission (NTC) order.
"Napakasakit ng ginawa ninyo sa
mga Pilipino!"
"Pasensya na po dahil hindi ko na
mapigilan ang sobrang galit na nararamdaman ko. Nakakapagod nang manahimik at
magpigil kung ang mga nasa paligid mo naman ay mga walang-pusong tao,"
"Anong klaseng mga tao ang gumawa
nito? Alam ninyo na ang ibig sabihin ng pagkasara ng ABS-CBN ay kawalan ng
trabaho ng ilang libong empleyado kasama ang mga pamilya nito. Ilang libong
pamilya ang magugutom sa kabila nang lahat ng nangyayari sa mundo ngayon.
Talaga bang nagawa niyong unahin ang pagpapasara ng isang istasyon na bumubuhay
sa napakaraming Pilipino?"
"Ang lahat ng mga tao ngayon ay
pagtulong at pag-agapay sa kapwa ang hangarin, lalo na ang ABS-CBN. Napakalaki
ng iniambag at patuloy na nagaambag upang umabot ang tulong sa lahat ng
nangangailangan. Sila ang inaasahan ngayon ng maraming tao para maghatid ng
balita sa bawat araw, sila rin ang daan para maiparating ng mga tao ang
kanilang saloobin at pinagdadaanan sa krisis na ito. Sa gitna ng laban natin sa
COVID 19, hindi tumitigil ang ABS-CBN para magbigay ng aliw, ligaya at pag-asa
sa mga tahanan ng sambayanang Pilipino. At sa gitna rin ng lahat ng ito, hindi
iniwan o pinabayaan ng ABS-CBN ang mga empleyado nito, inagapay niya ang bawat
empleyado upang makaraos,"
"Hindi ko alam kung anong klaseng
mga tao kayo at kung anong klaseng konsensiya ang mayroon kayo para maisip
niyong ipasara ang ABS-CBN sa gitna ng daan at libong mga taong nagkakasakit at
namamatay dahil sa epidemyang ito. Hindi kayo ang mga taong dapat kinakausap ng
maayos, ang dapat sa inyo tapatan ng kabastusan at kawalanghiyaan tulad ng
inaasal ninyo!"
"Tutal wala naman kasiguraduhan
kung buhay pa ako pagkatapos ng pandemic na ito, tama lang na masabi ko ang mga
saloobin ko,"
"Sa mga taong pilit nagsulong sa
pagpapasara sa ABS-CBN, sana ay panatag na panatag na ang kalooban niyo. Sana
nagdala ito ng lubos na kaligayahan sa mga puso ninyo. Mahirap magsawalang-kibo
sa mga taong katulad ninyo na patuloy na nang-aabuso. Wala kayong mga
konsensiya, naatim niyong pagkaitan ng hanapbuhay at pabayaang magutom ang
ilang libong mga pamilya! Lalo lang lulubog sa kahirapan ang mga Pilipino! Ito
ba ang serbisyo niyo sa bayan?"
"Hindi ako mangingiming sabihin
ang totoong nararandaman ko ngayon. Sa mga taong tulad niyo na hindi
karapat-dapat pakitaan ng diplomasya at pagkamalumanay. Ang dapat sa inyo
usapang sanggano at walang-hiyaan! Galing ako sa hirap at jologs ang pagkatao
ko, kaya wala akong pakialam ngayon kung anong sasabihin ng ibang tao. Hindi
man ako kasing talino ng iba, alam ko at malinaw sa akin na mali at kawalang
katarungan ang tanggalan ng hanapbuhay ang ilang libong empleyado ng isang
kumpanyang naglilingkod sa sambayanang Pilipino ng ilang dekada! Maraming
maraming salamat Solicitor General [Jose] Calida at sa bumubuo ng National
Telecommunications Commission sa kontribusyon niyo sa ating bayan!"
"Tinatarantado ninyo ang mga
Pilipino!"
What can you say about
this?
Share us your thoughts by simply leaving on the
comment section below. For more news updates, feel free to visit our site
often.
Stay
updated with today's relevant news and trends by hitting the LIKE button.
Thanks
for dropping by and reading this post.
Report from ABS-CBN News
Disclaimer:
Contributed articles does not reflect the view of THE PH CHRONICLES. This website cannot
guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may
do additional research if you find some information doubtful. No part of this
article maybe reproduced without permission from this website.
1 Comments
Really sad po :( kaso kailangan din naman natin smunod sa batas. Wag po daanin sa emoyon, mas mabuting gawan po ito agad ng aksiyon ng management ng ABS CBN.
ReplyDelete