Naiiyak at nalulungkot ako para kina Coco at Kim - Vice Ganda

Naiiyak at nalulungkot ako para kina Coco at Kim - Vice Ganda



Si Vice Ganda ay nagsalita paungkol sa kasalukuyang nanagyayari sa bansa ngaun, at aminado sya na sya ay naiiyak sa tila agkawatak watak ng mga Pilipino sa mga ibat ibang issue.

Ayos sa komedyante , ok naman anag kanyang kalagayan sampu ng kanyang pamilya sa gitna ng Luzon lockdown dulot ng COVID-19.


Humarap sya sa madling pipol sa pamamagitan ng Facebook Live para makipagchikahan sa kanyang mga followers at mga taga hanga kug saan sinagot din nya ang ilang tanong ng netizens.

Vice Ganda, Kim Chiu, and Coco Martin
(photo credit to owner)


“Nakaka-survive naman. Pero ayaw kong sabihin na OK na OK ako kasi hindi ako OK,” tugon ng komedyante nang kumustahin siya ng mga viewers.

Paliwanag niya, “Hindi ako OK na may pandemiya. Hindi ako OK na walang ABS-CBN, hindi ako OK na walang TV Patrol, hindi ako OK na walang It’s Showtime,’ hindi ako OK sa mga nangyayari.” 

Patungkol naman sa kanyang mental health ito ay maayos kahit tayo ngaun ay nasa isang pandemya at kung saan mnsan sya na lang ay naluluha sa mga nababalitaang pagka watak watak ng mga Pilipino sa mga ibat ibang issue at isa na riyan ang pagkakasarado ng pag aari ng mga Lopez na ABS-CBN Corporation.


“I will not deny the fact na itong mga nakalipas na araw, may mga araw na naiiyak ako. Kasi nalulungkot talaga ako.

“Nalulungkot ako dahil parang ang daming poot ng mga tao, parang hindi magkaintindihan ang mga tao. Ang daming galit sa isa’t isa, ayaw magkaunawaan,” pahayag ni Vice.


Di pinalagpas ni Vice ang kanyang nararamdaman na kalungkutan at disappointment sa pambu-bully at pamba-bash sa mga kapwa niya ABS-CBN celebrities na sina Coco Martin at Kim Chiu nang dahil sa pagtatanggol at pagsuporta sa Lopez controlled ABS-CBN Corporation.

“Nalungkot ako para sa mga kaibigan ko na nami-misinterpret, para kay Coco, para kay Kim kasi parang hindi nila deserve na pagsalitaan ng…basta, sana iyong mga tao, mas magkaunawaan.

“Mas masaya ako kapag ganoon, kapag ang mga tao ay hindi galit sa isa’t-isa. Iyon ang gusto ko,” lahad pa ng Phenomenal Box-office star.





What can you say about this?
Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often.
Stay updated with today's relevant news and trends by hitting the LIKE button.


Thanks for dropping by and reading this post.


Report from Bandera



Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of THE PH CHRONICLES. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtfulNo part of this article maybe reproduced without permission from this website.

Post a comment

0 Comments