Nanay kinapos ng breastmilk, newborn baby pinadede ng frontliner na pulis

Nanay kinapos ng breastmilk, newborn baby pinadede ng frontliner na pulis



Likas sa mga Pilipino ang matulungin at maawain, kung tutuusin ito ay ilan lang sa mga importanteng aspeto kung bakit meron tayong ugaling “Bayanihan.”

Tulad sa panahon na ito kung saan nahaharap ang bansa sa banta ng novel coronavirus 2019 disease o COVID-19 nakakatuwa at nakaktaba ng puso na kahit sa panahon ng krisis tayo ay nagtutulungan.


Tulad na lang ng ginawa nitong selfless act na ginawa ni Patrolwoman Adelfa Bachicha Dagohoy,na kung saan kahit busy at mahigpit na binabantayan ang isang checkpoint hindi sya nagdalawang isip na tulungan ang kapwa nya na babae sa pamamagitan ng pagpapadede sa bagong silang na sanggol nito.

(Litrato mula kay Bhong David)


Pinadede ni Patrolwoman Adelfa Bachicha Dagohoy ang newborn baby ng isang bagong panganak na nanay kung saan ito ay kinapos sa breastmilk matapos itong manganak sa Samar Provincial Hospital.

Nag-viral ang post ni Bhong David sa Facebook kung saan kinuhaan ng litrato ang unipormadong pulis na nakaupo at nagpapa-breastfeed sa labas ng ospital habang karga-karga ang sanggol na nakabalot sa lampin.

Isa sa Patrolwoman Dagohoy sa mga kapulisan ng Philippine National Police (PNP) frontliners sa lalawigan kasunod ng enhanced community quarantine (ECQ) protocol ni Gov. Reynolds Michael Tan.











What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often.


Stay updated with today's relevant news and trends by hitting the LIKE button.


Thanks for dropping by and reading this post.


Report from Bandera




Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of THE PH CHRONICLES. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

Post a comment

0 Comments