Hirap pero nanatiling may integridad; napulot na P10K ibinalik ni Manong vendor

Hirap pero nanatiling may integridad; napulot na P10K ibinalik ni Manong vendor



Mahirap, hirap, at nangangailangan pero may integridad.

Napakahirap ngaun kumita para sa mga vendor lalo pat mayroong pinapatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa kabuuang ng Luzon.


Pero kahit gipit sap era d nagdalawang isip ang isang vendor sa Malabon Market at padre de pamilya na ibalik ang perang kanyang napulot na kung tutuusin makakatulong ng Malaki sa kanya.

(photo credit to Angelika Dela Cruz FB account)


Isinauli ni Jojo Tiamzon ang nawalang wallet ni Jose Racho na may P10,000 at mahahalagang dokumento gaya ng UMID, driver’s license at voter’s ID.

Ang kanyang kabutihang loob ay nagsilbing ispirasyon sa gitna ng pagsubok sa matinding pinagdaanan ng mga Pilipino sa pagbalik ng pera sa kabila ng dulot ng novel coronavirus o COVID-19.

Ipinost ni aktres na si Angeika dela Cruz  at kapitan ng Brgy. Longos, Malabon sa social media ang katapatan ng matandang tindero. Sa nasabing barangay ibinalik ni Tiamzon ang pitaka.


Sir saludo po ako sa inyo sana po marami pang tao ang maging katulad ninyo. Salamat din sa aming volunteer na si Joseph Abiado na tumulong sa kanila,”

Ang nasabing post ni Angelika ay mayroon ng 15,000 reactions at 2,300 shares.

Ang anak naman ni Racho na si Nicole Elijay Racho, lubos ang pasasalamat nang maibalik ang gamit at pera ng kanyang tatay.

“Thank you po kuya sa mabait mong puso at sinaoli mo po ung wallet ng papa ko saludo po ako sayo maraming salamat po.”





Nasa ibaba ang Facebook post:



Sa panahon na naghihirap ang mga tao at naghahanap ng pagkakakitaan Flex ko lang po ang mapaka HONEST na si Sir JOJO TIAMZON nakapulot po sya ng wallet na na naglalaman na 10,000 pesos .. anong ginawa nya? Dinala nya sa barangay at sinoli sa may ari na si JOSE PACHO 👏🏻👏🏻👏🏻 Sir saludo po ako sa inyo 💜 sana po marami pang tao ang maging katulad ninyo .. Salamat din sa aming volunteer na si Joseph Abiado na tumulong Sa kanila




What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often.


Stay updated with today's relevant news and trends by hitting the LIKE button.


Thanks for dropping by and reading this post.



Report from Facebook




Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of THE PH CHRONICLES. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtfulNo part of this article maybe reproduced without permission from this website.

Post a comment

0 Comments