"Manila will be the next Wuhan" - warning ng isang Pinoy sa China kung makikipagmatigasan sa mga direktibo ng gobyerno

"Manila will be the next Wuhan" - warning ng isang Pinoy sa China kung makikipagmatigasan sa mga direktibo ng gobyerno




Simula magdeklara ng “enhanced community quarantine” ang Pangulong Rodrigo Roa Duterte lahat ay nagulat at nabahala kung ano talaga ang nangyayari sa ating bansa patungkol sa tila lumulubhang sakit na dala ng novel coronavirus 2019 disease.

Mula sa mga press briefing pinapaliwanag ng ating Department of Health(DOH) kung ano ano ang dapat gawin at iwasan para di na kumalat at makapanghawa pa ng mas madaming may sakit na dala ng Covid-19.


Sa unang araw ng “enhanced community quarantine” tila binalewala pa rin ng mga nakakadaming mga Pilipino ang direktibo ng pamahalaan na manatili ang lahat ng tao sa kani-kanilang bahay para maiwasan ang mahawa sa Covid-19.

(photo credit to owner)


Wala ba talagang disiplina ang mga Pinoy? O mangmang ba talaga ang madami sa atin na pinagbabalewala pa din ang di nakikitang virus na ngaun ay dahan-dahan ng dumadami ang bilang ng may sakit.

Nagbabala ang isang Pinoy na si DJ Loong sa mahal nyang Pilipinas na dapat sundin natin ang pinaiiral na quarantine kasi kung hindi kinakatakot nya na baka “ang susunod na Wuhan ang Manila.”

Si DJ Loong ay nasa Hubei, may 8 oras ang layo sa Wuhan kung saan ito ay kinilala na epicenter ng Covid-19, sa kanyang nagviral na video inexplain nya kung paano nakabangon at kung ano ang kanilang ginagawa sa panahong kalakasan ng pagkalat ng covid-19 sa loob ng 2 buwan.


Nakiki usap si DJ Loong sa mga Pilipino na maging disiplinado at makipag cooperate sa mga gobyerno kung hindi lalo mahihirapan ang Pilipinas sa kabubuan.

Sinabi din nya na kung totoong pinahahalagahan natin ang mga frontliners na mismong humaharap at unang depensa laban sa Covid-19 huwag na dumagdag pa sa hirap na dinadanas nila.

Nasa ibaba ang mga importanteng  mensahe ni DJ Loong:




"Huwag niyong baliwalain ang virus na yan,"


"Kung hindi kayo makikipag-cooperate sa sa Philippine government, trust me, I swear to God, Manila will be the next Wuhan kasi ang titigas ng mga ulo natin,"
"Iron fist. Isang bagsakan sinabi ng government, walang lalabas kasi may local transmission na,"

"Ang purpose ng lockdown is mapigilan ang tao sa paglabas, the more na walang tao sa labas, mas mabilis ma-contain ang virus. Ang pwede lang sa labas, pulis, nurse, reporters and doctors. Kahit lalabas kami sa condo unit namin, hindi kami papayagan,"

"Hindi na to pera, hindi na to trabaho, buhay na to eh. Pag mawala ka, kawawa pamilya mo, hindi mo na maiisip ang pera,"

"Pinapatay niyo yung bansa natin eh, hindi yong government pumapatay. Kasi sinabi na yong virus sobrang delikado, ang tigas parin ng ulo natin," saad niya.


"Please, please, please makipag-cooperate kayo sa government. Hindi lang kayo ang nahihirapan, buong mundo ang nahihirapan,"

"Please strengthen the humanity, instead na maging kupal tayo, isipin natin kung paano ba tayo makatulong sa government natin,"
"Tapos meron pang mga nagwewelga-welga diyan, ano ba yang ginagawa niyo? Sobrang kalokohan yang ginagawa niyo,"

"Kung meron talaga tayong pakialam sa ating mga frontliners, huwag natin silang pahirapan,"


"Kung meron tayon g pakiaalam sa mga doktor, pulis huwag ntin silang pahirapan. They are risking their lives pero tayo patigasan lang tayo, puro kalokohan lang tayo, hanggang doon nalang ba talaga tayo?"

"Let's restore humanity! Hindi na to about sa government, it's about you."

"I pray for the Philippines na malagpasan lahat to and I pray for the Filipinos to really cooperate and strenghten their faith, dasal buong-buo ang paniniwala and please love your family,"







What can you say about this?


Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often.


Stay updated with today's relevant news and trends by hitting the LIKE button.


Thanks for dropping by and reading this post.


Report from DJ Loong




Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of THE PH CHRONICLES. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

Post a comment

0 Comments