“‘Bawal daw’ sabi ng hepe mo. Bali wala werpa ko sa checkpoint mo,” Cavite Gov. to Laguna Gov.

“‘Bawal daw’ sabi ng hepe mo. Bali wala werpa ko sa checkpoint mo,” Cavite Gov. to Laguna Gov.




“Dear gob Ramil, Ganyanan na ha. Dehins ako pinalusot Ng checkpoint mula Bgy. Inchikan, Silang, Papunta Nuvali,” Cavite Governor Jonvic Remulla jokingly told Laguna Governor Ramil Hernandez in a social media post March 29.
The province of Laguna was placed on “total lockdown” on March 28. “Ipinag-uutos sa lahat ng awtoridad sa lalawigan ng Laguna ang implementasyon ng TOTAL LOCKDOWN ng probinsya at mahigpit na pagsunod sa lahat ng panuntunan sa pagpapatupad nito,” Governor Hernandez said in a statement.


“‘Bawal daw’ sabi ng hepe mo. Bali wala werpa ko sa checkpoint mo,” Governor Remulla added.
Cavite Governor Jonric Remulla and Laguna Governor Ramil Hernandez
(photo credit to owner)

“Tandaan mo na likas ang yabang at tapang naming mga kabitenyo. Ang mga taga laguna mga maka-dyos. Tignan mo pangalan Ng mga bayan mo: San Pedro; Santa Cruz; Sta Rosa. Kami dito: General Trias; General Aguinaldo; General Mariano Alvarez. Nilikha kami sa digmaan,” he said.
“Huwag ko na marinig na tatawid ka ng SLEX papunta Maynila. Magtatayo ako ng checkpoint sa Carmona para di ka makatwid. Umikot ka Ng Rizal ngayon para maramdaman mo Ang nararamdaman ng mga kababyan ko,” Remulla said. “Iyong dating kaibigan, Gob. Jonvic.”
“P.s. joke lang po ito. Even governors observe quarantine procedures. Dapat lahat tayo,” the Cavite governor said.


In response, Governor Hernandez said “Nabasa ko na ang iyong bukas na liham at eto ang aking kasagutan. Kapag may ulan o bagyo lagi mo akong inuunahan magdeklara ng walang pasok. kaya lagi akong naba-bash ng mga masisipag pumasok dine sa amin kahit mahina naman ang ulan dito sa Laguna.”
“Ngayon, wag mo naman sanang masamain na ako naman ang nauna na nagdeklara ng Total Lockdown. Panalangin naming mga taga Laguna ang kaligtasan nating lahat. At pahiram naman ng mga mandirigma mo dyan para sa matitigas ang ulo dine sa amin,” he added.
“Kung papogian naman ang usapan mas matangkad ka laang sa akin pero tao na magsabi kung kaninong gobernador ang mas pogi.  Ang iyong kapit lalawigan, GOV. RAMIL,” the Laguna governer said.


“P.S. Joke lang din ito. Maraming salamat sa iyong pang-unawa. Kaya kayong mga Kapitan at mga mayor huwag kayong mag-aaway kapag may nag-lockdown na barangay, bayan o syudad. Mag-unawaan tayo,” he said.







What can you say about this?


Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often.


Stay updated with today's relevant news and trends by hitting the LIKE button.


Thanks for dropping by and reading this post.


Report from mntfo





Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of THE PH CHRONICLES. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

Post a comment

0 Comments