All of this is a temporary setback.
An open letter has gone viral in social media , wherein the
open letter is addressed to “Bulkan Taal” in its full Batangueno kind of
dialect.
It’s the Filipino way of being resilient and being always
ready to face the different adversities of life has to offer.
Photo from wikipedia |
Please see full quote below:
Dear Bulkan Taal,
Kamusta
na ga, ikaw ga e galit pa din? Kalma na ikaw, nasisira na ang iyong ganda pg
ikaw e gay-an.. ang mga tao at mga hayop na nakatira sa malapit sa iyoy mga
natatakot na.. kung talagang galit ay ilabas mo na, pero pagkatapos nun ikaw e
tatahan na nang kamiy makapagsimula na ulet.
Ay
baka hindi mo alam, kahit saan kami makarating at my nagtanong kung kamiy taga
saan, taas noo naming ipinagmamalaki na kami ay nakatira malapit sa iyo..
Ay talaga namang pagkaganda mo pg
ikaw e pirmi e, tawag nga sa iyo e puso ng Batangas.. sa ganda naman nga ng
ating lalawigan lalo na sa mga baybayin ng lawa mo, ay inang, talaga namang
babalik balikan kahit kamiy nangingibang bayan.
Ikaw e
kumalma at tingnan mo ngay-on ang paligid mo, ay talaga namang nakakaiyak ang
itsura ngay-on.
Tahan
na. wag ka mag alala, ikaw e mahal na mahal pa rin namin.. alam kong mahal mo
din kami.. tahan na... nang kamiy makabangon na at nang ikaw e bumalik na ulet
sa iyong ganda.. tahan na, pg sa bait naman..
Isa
laang ang aking napatunayan sa pagkagalit mo, na kaming mga batangenyo pala ay
ganung katindi ang pagkakaisa.. kita mo ga? Aba ay kahit karibok at puno ng
alikabok tlga namang kita ang bayanihan sa isat isa.. may nakita ka gang
nagreklamo di ga e wala.. maiingay laang kami at akala e matatapang, pero
pusong mamon sa oras ng pangangailangan...
Ay sya
tatapusin q na d2 at pagkahaba na.. ikaw e magpahinga n at ilang araw ka nang
naglulupage.
Nagmamahal,
Bangon Batangas
0 Comments