The celebrated Manila City Mayor Isko
Moreno “Yorme” Domagoso is now at a receiving end of some
bashers for his numerous endorsements- some of which can be seen in the big billboards
in EDSA. He has address this issue before
saying that all his product endorsements,all talent fees have been donated to indigents and did not
personally benefit from it.
He has been accused of violating the Sec.
90 of the Local Government Code (Republic Act 7160) some of the Manila Mayor's endorsements (photo credit to owner) |
The Mayor has been an open endorser
of Belo and JAG jeans to name a few.
Below are some of the comments
against the young Manila Mayor.
( all screengrabs are from PhilStar)
The Mayor took time to answer all his
detractors and critics and gave a lengthy explanation regarding his numerous
endorsements.
Lahat 'yan, ng
mga pinagmodelan ko, ni-singko 'ala kong... hindi ko pa nakita. O 32 million
napunta sa...32.5 sa PGH. Cancer ward for kids. Hindi ko nakita 'yun.
'Yung
Chooks-to-Go, mapupunta sa UDM. 'Yung kalahati nung IAM Coffee mapupunta sa
UDM, magtatayo ng computer laboratory. Yes, estudyante ng Maynila. Binabayaran
na nga 'ko eh, sabi ko, 'Hindi. Hindi mo 'ko kailangang bayaran. Donate mo doon
sa UDM.'
Pasensya na
kayo. Eh baka manawa kayo sa pagmumukha ko sa ano, sa EDSA. Pagpapaumanhin.
'Yung billboard, 'yung picture, is only the byproduct of the intention.
Hindi ko naman
'yun ginawa para sa 'kin eh. Kailangan ko lang tupdin yung nakasulat sa
kontrata. Ano 'yun, manghingi ako, 'ala lang?
Isko also slams these bashers who
seems to be also “trapo” in their ways or the way they conduct themselves:
Tanong. Tanong. I challenge you. Eh
di puntahan niyo yung mga kontrata na pinirmahan ko. Tanungin niyo. Kaya nga,
kaya ko 'to gustong gusto eh, sa totoo lang, yung mga ganito. Para magpatunay
na kahit man lang sa ganitong bagay, mapatunay na 'ala kahit singkong duling.
Alam niyo magkano na? Humigit
kumulang P50 million na.
Tanong, nagtatampo ba 'ko sa pera?
Bago kayo magkamali, hindi totoo 'yun. Matino pa kaisipan ko. Pero ano pa ang
hahanapin ko sa buhay? Basurero lang ako nung naging mayor pa 'ko.
'Di ba? Mga
kababayan, sila naman kaya ang tanungin natin. Pera ng gobyerno, binili ng
bigas, picture taking, ipo-post sa Facebook. O, anong pinagkaiba niyo sa ibang
pulitikong sinasabi niyong maepal. Eh kayo'y epal din. The sauce for the gander
is the sauce for the goose.
Please see full text below of Mayor
Isko’s explanation regarding his endorsement deals, and answering the
accusations that he is “trapo” and a lawbreaker.
"Nako, ito na. 'Yung mga
pinag-uusapan ngayon. Oo. Nako. Kayong mga nasa studio. 'Yung mga nanonood.
Nakonsulta ko nga kayo. Eh kasi, I don't know. Kasi...'di ba pumutok 'yung
bulkan, tama ba?
Ayan si Chris. He should know. He
should know. Anong epekto sa mga kababayan natin sa Batangas.
Ako naman, I don't know. I don't want
to sound anything. Eh parang sinisilihan ang pwet ko.
Syempre, tutulungan ko sila,
kailangan hindi ko naman napapaapektuhan 'yung pagtulong natin at obligasyon sa
lungsod ng Maynila, tama ba? 'Yung pagtulong sa kanila is being Pilipino, not
being Manilenyo.
Being Pilipino, the same thing that
we did with Cotabato. Syempre, ako naman, may konting abilidad. Abi-abilidad
lang.
Ewan ko. Sana si judge, maganda
mapakinggan ni judge. Someday magkokonsulta nga tayo sa kanya.
Eh tingnan ninyo. 'Di ba lumindol
'yung Cotabato. Oo, nag-model ako. So what?
Tinamasa ng ating mga kababayang
naghihinagpis, o hilahod, nalulugmok, doon sa Cotabato.
Not a single cent.
I've seen that millions. It's
millions. Thank you very much, Belo. Thank you very much, C-Lium. O 'yan, 'yang
mga 'yan. Amazing Coffee. JAG.
Lahat 'yan, ng mga pinagmodelan ko,
ni-singko 'ala kong... hindi ko pa nakita. O 32 million napunta sa...32.5 sa
PGH. Cancer ward for kids. Hindi ko nakita 'yun.
Ito na naman, nagkasunod-sunod ang
hamon sa bansa. Ang laki. Naapektuhan nga tayo rito eh, 'di ba? Eh may mga
pending ako.
O 'di tinawag ko. Sabi ko doon sa
Dimsum Factory, o ano, halika na. Pumunta ka na sa Lunes. Dalhin mo na cheke
mo. Oo na 'ko.
Sa totoo lang ho, ang daming
naka-pending. Alam ng mga manonood 'yan na may mga malalaking kumpanya. Ang
daming naka-pending. Naghahanap lang ako ng reason where to give.
'Yung Chooks-to-Go, mapupunta sa UDM.
'Yung kalahati nung IAM Coffee mapupunta sa UDM, magtatayo ng computer
laboratory. Yes, estudyante ng Maynila. Binabayaran na nga 'ko eh, sabi ko,
'Hindi. Hindi mo 'ko kailangang bayaran. Donate mo doon sa UDM.'
Pumirma ako. Tinawagan ko naman 'yung
Novu, Novuhair. Sabi ko, 'Sige. Punta ka sa Lunes.' Two million sa Novu, two
million sa Dimsum Factory. Four million. Tingnan ninyo. Ito nga 'yung isang
ano. ADB Pharma. Ito sa ano 'to, Novuhair ito.
Parang itong anak ko (Joaquin).
Tingnan mo, natuto. Siguro nanonood ng ano ko ito eh. Province of Batangas ang
cheke. 'Di ba?
Four million. Ang totoo dyan,
mapupuyat pa ko. Mapapagod pa ko. Dahil kailangan ko pang mag-shooting. Kasi
obligasyon ko na 'yun. Eh hindi ko lang ho maintindihan.
Husgahan niyo na nga ako. Kailan ba
ako nagkubli sa inyo?
Eh mukhang maraming naapektuhan sa
pagmumukha ko sa EDSA.
Affected. Eh ako ayaw ko naman silang
pagpapatulan. O basta saksi ko ang Diyos. Mag-real talk na tayo. Anong
intention? Anong intention ko. Now the question is, kayo po, did I use my
authority, power...office for me to gain?
'Di ba? Eh may mga
naggagaling-galingan. Kung ayaw niyong tingnan 'yung litrato ko, eh di ipikita
niyo mata niyo. Nabwibwisit pala kayo eh. Affected pala kayo eh. Eh samantalang
'di ba naaalala niyo nananawagan pa nga ako?
O, pasensya na kayo ah. 'Di ba
naalala niyo sabi ko 'Pasensya na kayo.'
Pasensya na kayo. Eh baka manawa kayo
sa pagmumukha ko sa ano, sa EDSA. Pagpapaumanhin. 'Yung billboard, 'yung
picture, is only the byproduct of the intention.
Hindi ko naman 'yun ginawa para sa
'kin eh. Kailangan ko lang tupdin yung nakasulat sa kontrata. Ano 'yun,
manghingi ako, 'ala lang?
Tanong, 'yung mema, ano kaya ang
itinulong noon sa mga taga-Batangas?
Kung gusto niyo, real talk eh. O, 'di
ba? Tutal eh kayo anong tawag niyo sa sarili ninyo, disente? Hmm. Eh kasi kung
makapanghusga tayo eh. O 'di ibig sabihin, ika'y banal.
Ako'y hangal. Ganon 'yon eh. O 'di
let my maker judge me later. Hindi ko maintindihan, talaga bang makati ang mga
pwet ninyo pag usapang pulitika? Talaga bang kapag kayo'y mga bata ng pulitiko,
o tao ng politiko, 'ala ba sa inyong tawag na kunting delicadeza? Na ka pag
oras ng delubyo, oras ng trahedya, isasantabi natin ang mga kulay natin sa
mundo ng pulitika?
Akala ko ba public service ang gusto
niyo? Kaya kayo nag-aasam na agawan ang gobyerno? Kaya kayo nag-aasam na agawin
ninyo yung pwesto ng may pwesto. Akala ko gusto niyo public service? Eh kanino
ako na-inspire? Ba't ko ginagawa 'yun? Sa inyo!
Bakit ako na-inspire? O, seven years
old. Tinulong niya piggy bank niya. Ibigay kay Isko, kay Yorme, doon sa Maynila
dahil taga-Caloocan siya. Para raw ipampagawa ng bahay sa mahirap. O, ako lang
ba ang na-inspire?
O, tao sa mundo. OFW. Immigrants.
Kapwa natin Pilipino rito.
Ayan o. Lima. Ang dami ko na namang
pera. Mamaya magkakwentahan na naman tayo. Opo. Dulyar. Canadian.
Ayan o. 'Di ba, Hong Kong. Dulyares.
Money order. Kayo 'yan eh.
Bakit? Ngayon lang ako nakakita ng
taumbayan, dino-donate ang hard-earned money niya sa gobyerno na supposed to be
ang hirap pagkatiwalaan?
Nakarinig na ba tayo na ang tao
nagdo-donate ng pera sa gobyerno? Wala pa. Sa tagal ko. Magdadalawampung-taon
na 'ko sa pamahalaan mahigit eh. 'Ala ko...ngayon lang eh. If you can do it,
why can't I?
Wag tayong mapanghusga sa buhay.
Pagka delubyo, delubyo. Pag trahedya, trahedya. Walang dapat na kulay ng
pulitika.
Eh kayo nga eh. O, 'di ba epal din
kayo? Bakit? Nagpa-picture pa kayo habang nagbibigay ng bigas sa taal eh. 'Yung
grupo na 'yun. Sa susunod papangalanan ko kayo.
Eh nagagalit kayo, pinagalitan ko
kayong pinturahan ninyo 'yung pader na may pader dito. Eh hiningi ko lang 'yun.
Ipinangmalimos ko lang 'yun dahil dugyot 'yung underpass. O ngayon sasama ang
loob ninyo nung nagkaroon ng gobyerno na nagsasaayos lang, o dahil sumama ang
loob ninyo o hahanapan ninyo butas na may butas? Kahit butas ng karayom,
bubutasin ninyo? 'Wag po.
Ako sana, kaawaan ako ng Diyos.
Palawakin ang aking damdamin na unawain kayo. Pero hindi lahat ng pulitiko
mahaba ang pasensya. 'Di ba? Tapos kung mangangatwiran tayo baluktot? Dapat daw
payagan ko ito. Dahil yung ginawa ko daw iligal? Dahil under, ano yun, Section
90, Occupation? O 'di ba? Mema eh.
Tapos itong maganda, halatang halata
mong masama ang intention. Alam niyo ano ang maganda? Para malaman niyo,
halatang halata mo pulitika ang intention eh. Pinin to top pa. Sa dami ng
tinira niya sa gobyerno. O 'yung akin, doon niya nilagay. Pin to top. Alam niyo
bakit? Para ma-caught ang attention niyo. O para mag-viral, para sikat
siya.
Tanong, anong buti noon sa Batangas?
Dahil nainis ka lang sa pagmumukha ko
sa EDSA? Is that fair? Dahil minsan ko lang hinuli ang mga kasamahan mo? Ay
mali? Dahil baluktot ang pangangatwiran ninyo? Ewan ko lang ah.
Kaya na walang nagkakagusto na sa
inyo eh. Kaya nasusuklam na ang tao. Wala nang ginawang tama ang gobyerno eh.
Tanong. Tanong. I challenge you. Eh
di puntahan niyo yung mga kontrata na pinirmahan ko. Tanungin niyo. Kaya nga,
kaya ko 'to gustong gusto eh, sa totoo lang, yung mga ganito. Para magpatunay
na kahit man lang sa ganitong bagay, mapatunay na 'ala kahit singkong duling.
Alam niyo magkano na? Humigit
kumulang P50 million na.
Tanong, nagtatampo ba 'ko sa pera?
Bago kayo magkamali, hindi totoo 'yun. Matino pa kaisipan ko. Pero ano pa ang
hahanapin ko sa buhay? Basurero lang ako nung naging mayor pa 'ko.
'Di ba? Mga kababayan, sila naman
kaya ang tanungin natin. Pera ng gobyerno, binili ng bigas, picture taking,
ipo-post sa Facebook. O, anong pinagkaiba niyo sa ibang pulitikong sinasabi
niyong maepal. Eh kayo'y epal din. The sauce for the gander is the sauce for
the goose.
Hindi ho ba? Sabi, 'Hindi wag mo nang
pansinin.' Ay hindi. Hindi ko sila pinapansin. Gusto ko lang malaman ninyo ano
ba ang intention. Kaya 'yung picture, byproduct lang 'yan. Pero kung
kinakailangang...lahat ng katawan ko, mapaglingkuran ko lang kayo nang maayos,
'yun gagawin ko 'yun. Araw, gabi, tanghali, madaling araw."
What can you say about this?
Share
us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news
updates, feel free to visit our site often.
Stay
updated with today's relevant news and trends by hitting the LIKE button.
Thanks
for dropping by and reading this post.
Report from PhilStar
Disclaimer: Contributed
articles does not reflect the view of THE PH CHRONICLES. This website cannot
guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may
do additional research if you find some information doubtful. No part of
this article maybe reproduced without permission from this website.
0 Comments