Australyano na nagbebenta ng siomai, palamig, atbpa sa Lipa City kinaaliwan

Australyano na nagbebenta ng siomai, palamig, atbpa sa Lipa City kinaaliwan




Ang siomai ay palamig ilan lang sa mga kinagigiliwan ng mga pinoy na kainin pag meryenda o panawid gutom.

Isang puwesto sa Lipa, Batangas ang kinagigiliwan ngaun ng mga kababayan natin di dahil sa mga pagkain na tinitinda ngunit sa taong nagbabantay at nagtitinda ng pamilyar sa atin mga pagkain.


Isang Australian national na namataan ng mga pinoy sa isang night market na nagbebenta ng siomai burger, palamig, at iba pang pagkain. 

Siya ay si Adam Barry, na tubong Adelaide, Australia pero piniling magretiro sa Pilipinas matapos makapangasawa ng Pinay. (photo credit ABS-CBN)


Sa nag viral na post ni Rio Rivera,naikwento nya kung paano sya  nagulat at namangha nang makita ang lalaking banyaga na nagnenegosyo sa kaniyang probinsya.


Kinilala ang lalaki na si Adam Barry, na tubong Adelaide, Australia pero piniling magretiro at tumira dito sa Pilipinas matapos mapangasawa ang Pinay batanguennya na si Cherry.
Ayon kay Cherry, sya ay dating overseas Filipino worker (OFW) sa Malaysia, nakilala niya ang asawa sa isang dating site. Hanga daw siya sa kabaitan ng mister.

"Iba po siya. Masipag po siya, tinutulungan ako sa bahay, tapos kapag may problema, pinag-uusapan namin," sabi Cherry. 
Bidang bida naman ang mga mamimili tuwing nakakakita ng banyagang street food vendor. 
"First time ko po makita na sa food cart, hindi Pilipino ang nagtitinda, dito pa sa probinsiya ah," ani Miguel German, Jr.
"Ngayon ko lang siya nakita, nabigla po talaga ako," sabi naman ni Jessica Magno.

"Nakaka-proud po kasi nakikita ko po sa kaniya na may pusong Pinoy siya," ang sabi ni Miriam Salazar.
Nang tanungi sya kung ok lang a kanya maginda, payo ni Barry, huwag ikahiya anuman ang trabaho. Ang mahalaga ay maging masaya sa lahat ng ginagawa.









What can you say about the article?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news updates, feel free to visit our site often.


Stay updated with today's relevant news and trends by hitting the LIKE button.


Thanks for dropping by and reading this post.


Report from ABS-CBN News

Post a comment

0 Comments