"Mga pambato ng dilawan, lahat walang ‘K’ 'Otso diretso' sa poso negro! " R. Tiglao

"Mga pambato ng dilawan, lahat walang ‘K’ 'Otso diretso' sa poso negro! " R. Tiglao




In a democratic country, the right of free speech is protected.
As long as you don’t violate any of the existing laws of the land, this right can and will always be protected by the Constitution.
Here comes former Ambassador and veteran journalist Mr. Rigoberto Tiglao in his article in Bulgaronline.com made his strongest “attack” against the senatorial hopefuls of the opposition- the rag tag remnants of former President Noynoy Aquino’s Liberal Party.

(Photo credit to owner)

Composed Liberal Party 2016 Presidential candidate Mar Roxas , Ninoy look a like- Bam Aquino,  Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, former Deputy Speaker Erin Tañada, former Solicitor General Florin Hilbay, former Bangsamoro Transition Commission member Samira Gutoc, election lawyer Romulo Macalintal and De La Salle University College of Law founding dean Chel Diokno.
Majority of them have not figured high in the surveys released by the different polling outfits.
Mr. Tiglao, fired his different salvo with the dilawan candidates that is known as “Otso Diretso” in Filipino. But his parting words to sum it all up is ‘Yan ang mga kandidato ng mga dilawan: Otso, diretso sa  poso  negro, pwe!
For the information of the public and reasons of clarity and truthfulness, we are quoting the full article below.
Mga pambato ng dilawan, lahat walang ‘K’ 'Otso diretso' sa poso negro!

NATAWA tayo sa pahayag na “otso di­­ret­so” na ipinost sa Facebook.  Ang ka­tagang “otso diretso” ang madramang tawag ng mga dila­wan (mga natitirang puwersa ni ex-P-Noy) sa walong kan­didato nila para sa Senado sa darating na elek­siyon sa Mayo.

Alam naman natin ang ibig sabihin ng “poso negro” — malalim at nakaba­ong pinaglalag­yan ng dumi ng mga na­katira sa bahay.

Tama naman ang tingin ng nag-post sa Facebook. Malamang, basura ang patutu­nguhan ng mga kandidato sa pagka-senador ng mga dilawan.

Eh, wala naman talagang kuwalipikado sa kanila na maging senador. Kahit ba­rangay chairman, sa totoo lang, mala­mang ay hindi rin sila mananalo.

Isa-isahin nating usisain kung ano ang mga kuwalipikasyon nila at kayo na ang humula kung sinu-sino ang mga ito.

Unang kandidato, kalbong dating soli­ci­tor-general na  nagmamayabang na siya raw ang humawak ng kasong isinampa ng pamahala­an ni ex-P-Noy laban sa Tsina tungkol sa South China Sea.  

Mali ang kasong ‘yan at hindi ma­katutu­long sa atin kundi sa propaganda lang ng Estados Unidos laban sa Tsina.

Pero, ang dating opisyal  ni  ex-P-Noy na ito ay wala naman talagang papel sa kasong ‘yun.

Ayon sa mga dokumento ng kaso, ang humawak ng kaso ay mga Amerikanong abo­gado na binayaran daw ng P600 milyon!

Ang balita natin, tagatimpla lang ng kape at taga-photocopy lang ito para sa mga Ame­rikanong abogado.

Ang pangalawang kandidato, kilalang abogado na halatang napakalaki ang kinita para ipagtanggol ang kandidatong napakali­naw na nandaya umano noong 2016 elections.

Pangatlo, dating sundalo na hindi tu­mupad sa sinumpaan niyang tungkulin na ipag­tanggol ang gobyerno.

Kabaligtaran ang ginawa niya — su­mali sa katawa-tawang grupo na binalak daw pa­bagsakin ang gobyerno  noong  2003 at 2007.

Bakit katawa-tawa? Eh, nilusob ng mga kumag ang dalawang 5-Star hotel (Oakwood at Manila Peninsula) at hi­nintay na sumuporta sa kanila ang ta­umbayan habang nagpapala­mig sila sa mga hotel na ito at inuubos ang beer ang kaso, walang sumuporta sa kanila at naiwan lamang silang “nganga”. 

Wala pang isang araw, sumuko na sila dahil sa takot.

Pang-apat, panlima at pang-anim na di­lawang kandidato: Ang tingin nila ay maaari silang maging senador dahil ang lolo, tatay at tiyuhin nila ay dating mga senador at dala-dala nila ang pangalan ng mga ito.

Pampitong kandidato, natalo na sa eleksiyon noong 2016, eh, kating-kati pa rin na magkaroon ulit ng posisyon sa gobyerno.

Suspetsa natin, ang asawa nito ang nag­tulak sa kanya ang tumakbo, siguro naiinis ito na palagi lang siyang nasa bahay.

Pangwalong kandidato, taga-Minda­nao raw. Hindi natin alam dahil ngayon lang natin narinig ang pangalan nito.

Yan ang mga kandidato ng mga dilawan: Otso, diretso sa  poso  negro, pwe!

What can you say about this?

Share us your thoughts by simply leaving on the comment section below. For more news, updates, feel free to visit our site often.



Stay updated with today's relevant news and trends by hitting the LIKE button.



Thanks for dropping by and reading the post



Report from Bulgar

Post a comment

0 Comments